Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bastos sa mga beki, tomboy 1 taong kulong

0 102

Nakakatiyak na ang lesbians, gays, bisexuals, transgender, queers and intersex (LGBTQI) na protektado ang kanilang karapatan sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay makaraang lagdaan kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang ordinansa na layuning pagkalooban ng proteksiyon ang lahat ng karapatan sa anumang porma ng diskriminasyon sa sexual orientation, gender identity, expression (SOGIE) at pagparusa sa sinumang lalabag sa ordinansa sa Maynila.

Kasama ni Moreno sina Vice Mayor at Council Presiding Officer Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at President Pro-Tempore at Acting Presiding Officer Ernesto Isip, Jr. nang lagdaan ng alkalde ang Ordinance 8695 na inakda ni Councilor Joel Villanueva na tinawag na “Manila LGBTQI Protection Ordinance of 2020”.

Sinabi ni Moreno na sa ilalim ng ordinansa, bibigyang proteksiyon ang LGBTQI sa kanilang mga workplace, school at social media mula sa pambu-bully.

Papatawan ng P1,000 multa o 6 na buwan pagkabilanggo sa diskresiyon ng korte, sa unang pagkakamali, 6-buwan hanggang 8 buwan sa ikalawang pagkakamali, at sa ikatlong pagkakamali 8-buwan hanggang 1 taon pagkabilanggo at multang P5,000. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.