Abante Tonite Interactive

Basurero durog sa tren

By
621

Nadurog ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang manga­ngalakal matapos mahagip ng rumaragasang tren habang tumatawid sa kabilang riles kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Inilarawan lamang ang biktima na nasa edad 40-45. Ito ay pan­samantalang inilagak sa morgue ng Archangel Funeral Homes.

Ayon kay P/Supt. Jerry Corpuz, station commander ng MPD-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-4:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa riles ng tren sakop ng Antipolo St., malapit sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue sa Tondo.

Sinabi ni Remwin Valentino, 29, papara­ting galing sa Tutuban Station ang tren (MSC-1637) na patungong Alabang, Muntinlupa nang hindi ito napansin ng biktima kaya ito nasagasaan.

Wala naman umanong nakakakilala sa biktima, na sinasa­bing namumulot ng mapapakinabangan na basura sa may riles ng tren.