Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basurero grinipuhan ng kabaro

0 53

Humandusay sa kalye ang isang lalaki matapos umanong saksakin ng kapwa niya basurero sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na isang alyas Nelson, nasa pagitan ng edad 30 hanggang 35, nangangalakal ng basura sa lugar pero hindi residente roon.

Ayon kay Police Chief MSgt. Rico Caramat, ng Makati Police Station Homicide Section, may saksak si Nelson sa likod ng kanang tenga at may marka ng palo sa ulo nang matagpuan bandang alas-10:00 ng gabi.

Suspek sa krimen ang kapwa mangangalakal ni Nelson na si alyas Bunso dahil nakita itong nakikipagtalo sa biktima isang oras bago nadiskubre ang bangkay ng una.

Pinaghahanap pa ang suspek habang iniimbestigahan ang motibo niya sa ginawang krimen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.