Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Basurero kinatay kainuman dahil sa bebot

0 131

Dead on-the-spot ang isang lalaki nang araruhin ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang basurero matapos umano nilang pagtalunan ang isang babae habang nag-iinuman sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Ryan Horario, nasa hustong gulang, at residente ng Sitio Veterans, Brgy. Silangan, Quezon City.

Agad namang nadakip ang suspek na si Cristo Tabarnilla, 33, basurero, tubong Pandi, Bulacan at naninirahan sa Gravel Pit, Brgy. Payatas, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-7:40 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng NFA Building sa Brgy. Vasra, sa lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/Cpl. Nestor Ariz ng CIDU, nag-iinuman umano sina Horario at Tabarnilla nang magkaroon ng mainitang pagtatalo tungkol sa isang babae na kaibigan umano ng suspek.

SM food to go Banner Ad

Sa sobrang galit ni Tabarnilla ay dinampot niya ang kutsilyo na nasa mesa at inararo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kainumang si Horario na dahilan ng agad nitong pagkamatay.

Matapos ay nagtatakbo ang suspek patungong Quezon City Memorial Circle dala pa ang duguang kutsilyong ginamit sa pamamaslang.

Tapos, namataan ang suspek ng mga nagrespondeng sina P/Cpl. Richard Villestastas at Pat. Marvin Baguidudol ng Project 6 Police Station at agad itong naaresto.

Nakapiit na si Tabarnilla habang inihahanda ang kasong murder laban sa kaniya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.