Abante Tonite Interactive

Basurero kinatay, tinapon sa San Juan River

272

Isang basurero ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Quezon City nitong Linggo nang umaga matapos diumanong pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg. Roldan Pittong ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-10:30 ng umaga nang mabingwit sa San Juan River ang bangkay ng biktimang si Romy Arisga, 54-anyos, residente ng Brgy. Tatalon sa nasabing lungsod.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, nalaman kay Riza Lomberio, kinakasama ni Arisga, na noong Hunyo 7, bandang alas-5:30 nang hapon, may nakakitang pinagsasaksak umano ang biktima ng kanilang kapitbahay na kinilalang si Rey Rios.(Dolly Cabreza)