Abante Tonite Interactive

Basurero pinatay sa taas ng pride

0 286

Nasawi ang isang mangangalakal matapos pagsasaksakin ng kanyang kapwa basurero na napikon dahil sa umano’y kapwa ayaw umamin kung sino ang tama at mali sa kanilang dalawa kahapon nang umaga sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Danilo, dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinutugis naman ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Fred Lojete, kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ni PSG Marlon San Pedro ng Manila Police District-homicide section, alas-siyete nang umaga nang magtalo ang dalawa dahil gaya rin ng suspek — ayaw umanong aminin ng biktima ang kanyang pagkakamali.

Dala ng galit ni Lojete ay pinagsasaksak nito ng kutsilyo ang biktima at saka mabilis tumakas.

Isinugod ng ilang concerned citizen sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay. (Juliet de Loza-Cudia)