Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bat cave, pool pinondohan habang pandemya

0 59

Sa gitna ng pandemya noong 2020, naglipat umano ng budget ang Office of the President (OP) para pondohan ang mga bagay na walang kinalaman sa COVID-19 response, gaya ng pagpapatayo ng cafeteria, swimming pool, convention center at maging paglinang ng bat cave.

Batay sa dokumento mula sa Department of Budget and Management (DBM), sinabi ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares na umabot sa P10.3 bilyon ang savings na kinuha mula sa Contingency Fund para pondohan ang mga proyekto na walang kinalaman sa paglaban sa pandemya.

“Why did President Duterte approve a SARO transferring supposed savings from the Contingency Fund in June 2020, to fund… non-urgent projects when there were supposedly no funds for ayuda?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa dokumentong nakuha ng Bayan Muna, may P30 milyon na inilaan para sa development ng bat cave sa Matanao, Davao del Sur.

Ginastusan din ang pagtatayo ng sports complex facility na may swimming pool, warm up pool at bleacher, convention center, cruise ship port, gusali ng Presidential Security Group, instructor’s billeting area para sa PNP-SAF, First Scout Ranger Regiment Clubhouse at multi-purpose building. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.