Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata, 2 pa sapol ng ligaw na bala

0 100

Patay ang isang 12-anyos na babae matapos tamaan ito ng ligaw na bala sa pagsalubong ng bagong taon kahapon sa Lanao del Norte, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Sa press briefing kahapon ng PNP at Department of Health (DoH), kinumpirma ni PNP Spokeperson Ildebrandi Usana na nasawi ang 12-anyos na bata matapos tamaan ng ligaw na bala.

Naglalaro sa labas ng kanilang bahay habang hinihintay ang pagsalubong sa bagong taon nang bigla itong matumba.

“After the 12 midnight cut off and what we found out is there was one casualty, a 12-year-old girl died as a result of stray bullet. This was on the basis of the report coming from the doctor,” pahayag ni Usana sa nasabing press briefing.

Nabatid pa na sa ulo tinamaan ng ligaw na bala ang batang biktima at inaalam pa ngayon ng pulisya kung saan nagmula ang bala.

Samantala dalawa din ang tinamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon, isa dito ay nangyari sa Dagupan City sa Pangasinan ng tamaan ito ng ligaw na bala sa kanyang hita.

Habang ang isang lalaki naman mula sa Sta. Catalina, Negros Oriental ay tinamaan sa tiyan habang umiihi at ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.