Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata 45 minutong nilamon ng apoy

0 140

Hindi na naisalba pa ang buhay ng isang 2-taong gulang na babae nitong Lunes matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Antipolo City nang halos 45 minuto.

Nagtamo ng second to third degree burns ang buong katawan ng biktima na hindi na nakayanan pa ang pagkakasunog at nakilalang si Vanessa Glee, residente ng Chico Street, Purok Sumulong sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Habang nailigtas naman ng kapitbahay ang dalawa pang kapatid ni Vanessa.

Ayon kay Ssgt. Alex Getiayon, arson investigator, wala ang mga magulang ng mga bata nang sumiklab ang apoy bandang alas-9:00 ng umaga, kamakalawa, sa nasabing kalye sa lungsod.

Samantala, idineklarang fire out ang sunog bandang alas-10:00 ng umaga kung saan naagapan pa ang bahay ng kapitbahay.

Nabatid naman na tinatayang faulty wiring ang sanhi ng apoy. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.