Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata bawal sa Simbang Gabi

0 393

Bukod sa hindi pinayagang gumala sa mall kahit pa may kasamang matanda, ipinagbawal din ng mga alkalde sa Metro Manila na dumalo ang mga menor de edad sa Simbang Gabi.

Inihayag ito ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia sa isang public briefing kung saan nagkasundo aniya ang 17 alkalde sa National Capital Region na huwag payagang lumabas ang mga menor de edad sa kanilang tahnanan maliban na lamang kung kinakailangan.

Ayon kay Garcia, batay ang desisyon ng mga NCR mayor sa rekomendasyon ng mga doktor at kasama na rito ang pagbabawal sa mga menor de edad sa Simbang Gabi.

Pinangangambahan aniya na baka biglang dumami na naman ang mga kaso ng COVID-19 infection at tiyak na malaking problema ito para sa gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.