Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata galamay ng Bilibid drug syndicate, timbog

0 50

Buking ang iligal na transaksyon ng ilang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) nang madampot ng mga awtoridad ang isang batang lalaki pinaniniwalaang galamay ng sindikato ng droga matapos maaktuhang nagbebenta ng droga na isinilid niya sa mga kahon ng gamot sa Mandaluyong City.

Nakuhanan pa ng video ang pagbebenta ng hindi pinangalanang menor-de-edad sa undercover personnel ng Mandaluyong Police.

“Napag-alaman natin na ang modus ng mga pusher ngayon ay isinisilid ang droga sa box ng gamot para hindi halata kapag nag-abutan o nagkabentahan,” wika ni Police Colonel Gauvin Unos ng Mandaluyong Police sa panayam ng Balitanghali.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon na matapos ang bentahan ay saka na nire-remit ng bata ang benta sa isang bilanggo sa Bilibid.

“Doon ang kumbaga lagayan ng mga gumagamit sa kanya. ‘Yung pera na bayad ng shabu na ito ay nire-remit sa isang remittance establishment, papunta po yan daw sa Muntinlupa sa loob ng kulungan,” sambit ng hepe.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang suspek. (VAPA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.