Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata ginahasa ng totoy sa bahay-bahayan

0 120

Inaresto ng mga awtoridad ang isang totoy nang pagsamantalahan nito ang batang babae na niyaya niyang magbahay -bahayan sa Quezon City, ayon sa ulat nitong Martes.

Ang Grade 4 na suspek na itinago sa pangalang Roy, 14, ay nasa kostudya ngayon ng awtoridad.

Sa naantalang report ng Talipapa Police Station (PS-3) ng Quezon City Police District, alas-sais ng gabi

nang maganap ang insidente sa construction site malapit sa bahay ng biktima sa Brgy. Baesa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon ni PCpl Rodora G Soqueña, ng Women and Children Protection Desk ng PS-3, ang biktima ay nakilala ng suspek sa harap ng computer shop sa nasabing barangay.

Niyaya umano ng suspek ang paslit na maglaro kung saan sabik na sumama ang bata.

Pagdating sa abandonadong construction site, hinubaran ang biktima ng suspek saka pinagsamantalahan at nang makaraos ay iniwan.

Umuwi namang umiiyak ang 8-anyos at nagsumbong sa nanay na agad nag-report sa pulisya kaya inaresto ang Grade 4. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.