Abante Tonite Interactive

Bata inoobserbahan sa meningo sa San Lazaro Hospital

0 155

Inoobserbahan ngayon sa San Lazaro Hospital ang isang bata na hinihinalang dinapuan ng sakit na meningococcemia.

Nabatid na ang bata ay nanggaling umano sa Pasay City General Hospital at dinala sa San Lazaro Hospital para dito gamutin ang sakit.

Nalaman na hinihintay pa ang resulta ng laboratory para malaman ang tunay na sakit ng bata.

Ang bata ay isinugod sa pagamutan matapos kakitaan ng sintomas ng meningococcemia tulad ng pananakit ng ulo, hindi maigalaw ang leeg, mataas na lagnat, nahihilo at nagsusuka.

Nalaman na ang meningococcemia ay impeksyon sa dugo mula sa bacteria na Neisseria meningitidis.

Nakakahawa rin ang sakit kapag nagkaroon ng close contact sa biktima. (Juliet de Loza-Cudia)