Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata kumawala sa tanod dedo

0 315

PATAY ang 12-anyos totoy nang kumawala ito sa mga barangay tanod na magdadala sana sa kanya sa barangay dahil sa paglabag sa quarantine protocols sa Pasay City nitong Miyerkoles.

Sa inisyal na ulat, habang bitbit ang bata sa barangay ay nakabitaw ito sa tanod at tumakbo.

Pero bigla itong nadapa dahilan para mabagok ang ulo nito.

Nakuhanan pa ng CCTV ang buong insidente.

Itinakbo ang bata sa pagamutan pero dineklara siyang dead on arrival.

Ang Pasay City ay kabilang sa modified enhanced community quarantine, nangangahulugan na bawal lumabas ang mga bata at edad 18-65 lang ang maaring lumabas ng bahay.

Posibleng may pananagutan naman ang mga magulang ng bata na hinayaang nasa labas ang mga anak.

Aalamin na rin ng pulis kung may pananagutan ang tanod. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.