Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata may doble kara

0 170

Mga ka-Misteryo, nakakita na ba kayo ng taong may doble-kara o dalawang mukha? Iyan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Manny ng Pangasinan ay nagsabing nakita niya ang pamangkin na merong ka-doble kara na nang minsan napadalaw sa bahay ng kapatid.

Misteryo: “Paano mo nakita ang doble-kara ng iyong pamangkin?

Manny: “Parang anino pero nung bigla ko siyang nakita ibang iba ang mukha hanggang sa unti-unting nawala at balik normal ang kanyang mukha.”

Misteryo: “Paano yun? Para bang tinakpan ang mukha ng iyong pamangkin? Ganun ba yun?”

Manny: “Ganun na nga yun. Pero hindi naman nakakatakot yung doble-kara ng pamangkin ko. Sa totoo lang ang ganda nung mukha parang anghel. Inisip ko tuloy guardian Angel siya ng pamangkin ko.”

Misteryo: “Baka nga guardian Angel siya kung ganun pero ngayon ko lang nalaman ang ganyan. Pero natanong mo ba anong pakiramdam ng pamangkin mo nun?”

Manny: “Hindi ko na natanong kasi baka matakot ang pamangkin ko pag nagtanong ako o sinabi ko ang nakita ko.”

Misteryo: “Pagkatapos nun ano na ang sumunod na nangyari? May kakaiba ka bang napansin sa pamangkin mo? Noon bang may doble-kara siya nagsalita ba siya? Baka nag-iba boses niya?”

Manny: “Hindi naman siya nagsalita saka saglit lang yun. Alam mo naman yung biglang nakita mo sa isang kisap mata.”

Kayo mga ka-Misteryo baka meron kayong katulad na karanasan ni Manny, maaari niyong ipaalam sa Misteryo. Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.