Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata na nawala sa bagyo natagpuang patay

0 208

NATAGPUAN na ang labi ng limang taong gulang na bata sa Oas, Albay.

Pinaniniwalaang natangay siya ng malalakas na alon na resulta ng baha dahil sa supertyphoon Rolly.

Sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) na kinilala ng kanyang ama na si Salvador Manrique ang bangkay ng kanyang nawawalang anak.

“Hawak-hawak niya ang kaniyang 5-taong gulang na anak ngunit nabitawan niya ito sa sobrang lakas ng hampas ng tubig,” sinabi ng PRC sa kanilang FB post. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.