Abante Tonite Interactive

‘Bata’ nagparaya sa mga bata

0 400

Tutumbok si Efren ‘Bata’ Reyes sa carom upang mabigyan ng pagkakataon ang magaga­ling na batang national­ team members na maipakita ang kanilang lupit sa bilyar.

Minabuti ni Reyes, kilala rin sa tawag na ‘The Magiacian’, na maglaro sa carom kaysa sa 8 o 9-ball sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11. Nais niyang bigyan ng tsansa ang mga kabataang cue artist na makasilo ng medalyang ginto.

“Kung ako malalagay sa pool paano itong magagaling nating kabataan dito, kapag naglaro ako sa 8-ball o sa 9-ball parang ayaw ko silang bigyan ng chance, sa karambola wala namang player,” saad ng former 8-ball at 9-ball world champion.

Makakasama niya sa carom si Francisco dela Cruz habang ang ibang miyembro ng team ay sina world No. 4 cue artist­ Carlo Biado, Dennis Orcollo at women’s world No. 3 Rubilen Amit.
Sasargo rin para sa bansa sina Jeffrey Ignacio, Warren Kiamco, Johann Chua, Iris Rañola at Floriza Andal. (Elech Dawa)