Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata nagulungan ng SUV sa subdibisyon

0 87

IMBES na kumita ang isang online seller, kulang pang pambayad ang kinita nito sa danyos at piyansa matapos magulungan ng kanyang SUV ang isang naglalarong 9-anyos na batang lalaki sa loob ng isang subdibisyon sa Kawit, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Jay-Jay (di tunay na pangalan ), nakatira sa nasabing subdibisyon habang naaresto ang driver ng Mitsubishi Montero Sport na may plakang NCL 8040 na si Loyd Pahoyo Zerna, taga-Alfonso, Cavite.

Sa ulat ni PMSgt Erwin Clerigo, ng Kawit Municipal Police Station, minamaneho ni Zerna ang kanyang sasakyan sa loob ng subdibisyon sa Boston Heights Subd., Bgry Toclong Kawit, Cavite nang aksidenteng magulungan ang biktima na noon ay naglalaro sa labas ng kanilang bahay alas-5:00 Huwebes ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Isinugod sa San Pedro Calungsod Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Clerigo nagtungo ang driver sa nasabing subdibisyon upang ihatid ang oder ng isa sa kanyang kliyente online.

Inakala umano ng driver na nalubak lamang ito at hindi alam na nakasagasa na. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.