Abante Tonite Interactive

Bata nakalutang sa dam

By
1,910

Palutang-lutang nang matagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang batang lalaki sa isang dam sa Calamba, Laguna.

Batay sa report ng Calabarzon Police Headquarters, isang residente ang nakakita sa bangkay ng batang lalaki sa Brgy. Real bandang alas-siyet­e nang umaga kahapon.

Tinatayang nasa lima hanggang walong taong gulang ang edad ng bata na posibleng nalunod habang naliligo sa dam.

Tiniyak naman ni Calabarzon Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, na aalamin nila ang pagkakaki­lanlan ng biktima upang agad na maipaalam sa kaanak nito.