Abante Tonite Interactive

Bata nakuryente sa school

0 278

Nasawi ang isang 8-anyos na estudyante nang makuryente sa loob ng eskuwelahan sa Brgy. Gomez, Lopez, Quezon Lunes nang umaga.

Kinilala ng Lopez police ang biktima na si JM Bizara Pasco, estudyante ng Gomez Elementary School.

Sa report ng Lopez police, nangyari ang insidente alas-7:00 nang umaga habang ang biktima ay nag­lalaro sa stage ng eskuwelahan.

Napahawak umano ang bata sa bakal na bakod ng stage kasabay nang bigla na lamang nitong nangi­say.

Dinaluyan umano ng kuryente ang bakod matapos mapadikit ang isang naputol na live wire.

Isinugod pa ang bata sa ospital sub­lit idineklara na itong patay ng doktor. (Ronilo Dagos)