Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata namasko tinadtad ng saksak

0 97

HINDI na kailaman maisusuot ang damit at tsinelas na pinabili ng isang 7-anyos na batang babae mula sa kanyang napamaskuhan matapos itong matagpuang patay, walang saplot pang-itaas at hinihinalang ginahasa sa isang creek sa Carmona, Cavite, Linggo ng madaling araw.

Kasong murder ang ikinaso sa suspek na si Michael Benitez, binata, isang Civilian Guard na positibong inginuso ng mga saksi na pumatay kay Angel (di tunay na pangalan) ng Silang, Cavite na natagpuan ala-1:30 Linggo ng madaling araw.

Si Benitez ay naaresto alas-2:00 Lunes ng hapon sa Brgy. Maguyam, Silang Cavite.

Ang biktima ay may apat na saksak sa katawan at wala ring saplot pang-ibaba na hinihinalang ginahasa nang matagpuan ng Carmona MPS.

Ayon sa ina ng biktima, December 26 nang mamasko ang bata pero simula noon ay hindi na nakauwi kaya nag-report na ang pamilya sa barangay at pulisya.

Nagpapabili pa umano ang biktima ng tsinelas at damit sa ina.

Itinanggi naman ni Benitez ang paratang at idinadahilan na may galit lamang sila sa kanya matapos umanong sitahin ang bata sa pagkuha ng gulay sa kanilang lupa. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.