Abante Tonite Interactive

Bata natusta ng kandila

253

Halos hindi na makilala ang bangkay ng 4-anyos na batang lalaki makaraang hindi makalabas sa nasusunog nilang tahanan sanhi ng natumbang kandila sa North Fairview, Quezon City.

Base sa report kay QC Fire Marshal Sr. Supt. Jaime Ramirez, ang biktima ay nakila­lang si Elixer Taladro Jumalon, 4, nakatira sa No. 24 Boulevard St., Brgy. North Fairview, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Fire Chief Insp. Sherwin Penapel, alas-9:39 ng gabi kamakalawa nang magsimula ang sunog sa bahay ng biktima na pag-aari ni Marivic Rebagay, 32-anyos.

Abante Hiring – IT dep

Ilang araw na umanong walang kur­yente ang bahay ni Rebagay matapos na maputulan kaya kandila lamang ang nagsilbing ilaw ng pamilyang Juma­lon.

Ayon kay Penapel, ang biktima ay iniiwan lamang sa pangangalaga ng nakatatandang kapatid ‘pag nasa trabaho ang kanyang nanay na umano’y hiwalay sa kanyang tatay.

Nagkataon naman na bumili ng pagkain sa labas ang kapatid ng biktima ngunit pagbalik ay nilalamon na ng apoy ang kanilang tahanan.

Naapula ang sunog na umabot sa 2nd alarm dakong alas–10:25 nang gabi kung saan 11 bahay ang natupok at 30 pamil­ya ang nawalan ng taha­nan.