Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata naubos dugo sa kuto, muntik matodas

0 637

Arestado ang isang nanay sa Indiana, United States noong nakaraang linggo matapos umano nitong pabayaan ang kanyang mga anak na pestihin ng mga kuto na ang isa ay halos bawian na ng buhay.

Napaulat na ang ina ay kinilala bilang si Shyanne Singh, 26-anyos.

Sinasabing inaresto ng pulisya si Singh matapos silang makatanggap ng tawag mula sa ospital na pinagdalhan sa mga anak ng suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang apat na taong gulang na anak umano ni Singh ay kinailangan pang salinan ng dugo nang apat na beses at halos ikamatay ang pamemeste ng kuto sa kanyang ulo. Dagdag pa, 1.7 grams per deciliter na lamang ang hemoglobin level na naitala ng mga doktor sa bata. Ang normal na lebel ay nasa 12 grams per deciliter.

Ayon sa ospital ay ito na umano ang pinakamababang hemoglobin level na kanilang naitala sa lahat ng naging pasyente nila.

Samantala, ang isa pang anak ni Singh na anim na taong gulang, ay lumiban sa klase sa loob ng isang buwan dahil na rin sa pahirap na mga kuto. Hindi naman kasing lubha ng kanyang nakababatang kapatid ang kanyang kondisyon.

Nahaharap sa three counts of neglect ang nanay dahil sa kapabayaan. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.