Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Bata’ ng congressman tinumba

0 69

PATAY sa pamamaril ang political leader ni incumbent Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel.

Sa report, nangyari ito nitong Martes.

Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon ang biktima na kinilalang si Renato “Atong” Canilao, 47, ng Barangay Tonsuya.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon, tinadtad ng bala si Canilao bandang alas-3:36 ng hapon ng Martes.

Sinasabing naglalakad ang biktima sa Kadima basketball court pagkaalis sa campaign headquarters ng mambabatas nang mangyari ang krimen.

Kinondena naman ni Lacson-Noel ang pagpatay at sinabing si Canilao ay isang kaibigan at malaking kawalan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.