Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata ng GP Partylist, patay sa Nueva Ecija

0 135

Isang tauhan ng Galing sa Puso (GP) Partylist ang nasawi sa aksidente ng mga sasakyan noong Biyernes sa Brgy. Magpapalayok, San Leonardo Nueva Ecija.

Sa ulat ni PMajor Abraham Atencio, nakilala ang nasawi na si Eward Samson Manalastas, 50, driver ng GP Partylist, taga-Brgy. San Roque, San Leonardo Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ni PSSG Reagan A Barlis, ala-1:30 ng hapon nagmamaneho ng GP service vehicle na may plakang EH3006 si Manalastas patungong norte kasunod ang isa pang SUV na minamaneho ng bumberong si Antonio Mendez Magulabnan Jr., 30, ng Villa Aurora, Maria Aurora.

SM food to go Banner Ad

Bigla umanong umagaw sa kanilang linya ang kasalubong na SUV na may plakang FJC-289 na minamaneho ni Eric Paul Pascua Bicos, 31, taga-Poblacion San Antonio, NE at bumangga sa mga ito.

Kinailangang dalhin sa Dr. PJG MRMC sa Cabanatuan City si Manalastas at doon binawian ng buhay ang tauhan ni Cong. GP Padiernos, samantalang sugatan sa hita si Bicos. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.