Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata ni Cong tinurong binulsa ayuda

0 68

Binunyag ng ilang mga residente sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City na mahigit 1,000 benepisyaryo ang nakatanggap lang ng P2,000 mula sa dapat sana’y P7,518 na ayuda dahil sa umano’y pagkaltas dito ng mga tauhan ni Congresswoman Precious Hipolito Castelo.

Nagreklamo sa nasabing barangay ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) dahil nakaltasan ng P5,518 ang kanilang benepisyo.

Sa panayam sa radyo kay Carol, isa sa umano’y tumulong sa pagpapamahagi ng ayuda sa barangay, isang tauhan aniya ng kongresista ang umano’y naging coordinator at nakaabang para kaltasan ang kanilang nakuhang pera mula sa remittance center.

“Tinext po kami ng Palawan na may makukuha po kaming pera na nagkakahalaga ng P7,518 na ang P2,000 doon ay mapupunta sa nakapangalan doon, na may mga ID po akong hawak. Kukunin po ang P5,518 na sobra sa pera na ‘yun para ibigay ko naman po kay Ma’am Jacky Sales dahil ibabayad din daw nila sa mga nagwawalis na sinasabi doon sa opisina po ni Cong. Precious,”ayon pa sa nagrereklamo.

SM food to go Banner Ad

Sinabihan umano siya ni Sales na kung tatawagan sila ng DOLE ay sabihing nagwalis sila mula Hunyo 18 hanggang 27 at naglinis sa loob at labas ng bahay dahil may pandemya at P7,518 ang nakuha.

Ayon naman sa abogado ng mga Castelo, aaksyunan nila ang anumang iregularidad na kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan.

“Whenever we receive reports of irregularities or wrongdoings of personnel, we always proceed to investigate the matter and take the proper action after due process, including termination or legal action. Please be assured that we take these reports seriously. Thank you for the important information you provided,” tugon ni Atty. Blando ng tanggapan ni Councilor Winnie Castelo, mister ng kongresista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.