Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata ni Goma bronze sa World Pentathlon

0 91

Tinumba ni Princess Honey Arbilon ng Pilipinas si Maryia Gnedtchik ng Belarus, 4-1, upang makamit ang bronze medal sa championship round ng 1st Union Internationale de Pentathlon Moderne (UIPM) World Laser All-Stars.

Naungusan ang 18-anyos na Pinay mula sa Ormoc City ni Darcy Dryden ng Britain, 2-4, sa semifinals ng Under-22 online tournament na nilahukan ng 35 bansa, upang maitakda ang duwelo sa Balerusian nitong Miyerkoles.

Katatapos lang sa Ormoc National High School, isang gold medalist si Arbilon sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 sa mixed beach laser relay katambal si Samuel German.

Si Silvia Ventura ng Mexico na tinalo si Gnedtchik sa semifinals, ang nagwagi ng gold, kontra kay Dryden sa race-to-four finale na binubuo ng limang target kada labanan.

“We’re slowly honing her to develop the way she makes quick and precise decisions,’’ komento ni Philippine Modern Pentathlon Association (PMPA) president Richard ‘Goma’ Gomez na siya ring alkalde ng Ormoc nitong Biyernes.

“She has to understand the small details that makes a champion, that winning is not all about strength. It also needs mental sharpness and quick decision-making,’’ hirit pa ng dating aktor na naging pulitiko.

Pa-final four, sinilat din ng bagito pa lang sa sport na si Arbilon si world-rank Nouran Beheiry ng Egypt 4-0, at ang isa pang world-rank bet na si Marcela Mello ng Brazil, 4-3. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.