Abante Tonite Interactive

Bata pa lang trasher na

398

Kung skateboarding ang pag-uusapan, hindi papahuli riyan si national team member Renzo Mark ‘Mak’ Feliciano.

Kagayani Pinay skateboarding star Margielyn Didal, ilang beses na ring k i n a t a w a n niya ang bansa at patuloy na ibinabandera ang kanyang pagiging tatak Pinoy sa iba’t ibang mga sports competition.

Nito lang 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 noong Disyembre, isa si Feliciano na nagbigay medalya para sa bansa nang makasungkit ng silver sa skateboard men’s street event.

Bata pa lang, ang nasabing sport na ang natipuhan ni Feliciano at hanggang ngayon ay ito lang kanyang pinagtutuunan ng pansin.

Kung para sa iba ay delikado, iba ito para sa dating estudyante ng Asian College of Aeronautics, at supling nina Zosimo at Dina Feliciano dahil na rin sa suporta ng kanyang mga kaibigan.

“Kasama ko po iyong mga kaibigan ko tapos sila po iyong nagpu-push sa akin na. Sabi nila kaya mo yan!, you can do it!, ganon.

Para sakin, nakakalakas ng loob iyon na para gawin ang kailangan kong gawin kagaya nalang kapag may new trick ako tapos mahirap.

Nandoon ang mga kaibigan ko na sumusuporta, nagpu-push po sa akin,” kuwento niya.

Kapag wala naman sa training, umuuwi sa kanyang hometown sa Baler, Aurora ang 26-anyos na atleta upang makasama ang kanyang pamilya at mag-surf na rin doon.

Dahil rin sa skateboarding, lumawak pa ang kaalaman niya sa kultura ng iba’t ibat lugar na kanyang napupuntahan dagdag pa ang mga bagong kaibigan na kanyang nakikilala.

Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda ni Feliciano para sa kanyang mga darating na torneo ngayong taon.

Q&A

TONITE: “Kamusta ang iyong SEA Games experience?” Feliciano: “Sa akin po, simula noong mag-start sa training sa Hong Kong pa lang sobrang kaba ako noon. Kasi kilala ko po iyong mga makakalaro ko eh.

Then nang mag-start na po ang SEA Games, nakasama ko po iyong mga makakalaro ko parang naging normal na sa akin lahat. It’s just a competition.

Gagawin ko iyong best ko for the Philippines. While sa competition na, sobrang proud po ako sa sarili ko kasi nagawa ko ang dapat magawa — worth it ang practice ko.”

TONITE: “Anong pakiramdam na i-represent mo ang bansa sa SEAG?” Feliciano: “Sa akin po may pressure pa rin po kasi alam kong maraming fans lalo na homecourt — Philippines ang host po. Maraming nanonood na mga Pinoy.

For sure, parang may expectation sila kasi homecourt advantage tayo. Kaya may pressure po sa akin.”

TONITE: “Paano mo hihikayatin ang iba na subukan ang skateboarding?” Feliciano: “Try lang po nila, subukan nila kung gusto nila basta huwag lang po silang matakot na itry. Then, just have fun po kapag naglalaro po sila kasi kung masaya ka po sa ginagawa mo di ka matatakot na gawin ang bagong experience eh.”