Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata patay sa tuklaw ng ahas

0 81

Nasawi ang siyam na taong gulang na babae matapos matuklaw ng ahas sa loob ng kanilang bahay, Lunes sa Barangay Talang, San Carlos City.

Kinilala ang biktima na si Ria dela Cruz, Grade 4 student, ng Barangay Talang, ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa San Carlos Police Station, sa pahayag ng ina ng biktima, nagsukat ng school uniform ang biktima nang biglang sumulpot ang ahas at biglang tinuklaw sa binti si Dela Cruz.

Agad dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Hindi pa tukoy ang uri ng ahas na tumuklaw sa bata dahil hindi pa ito nahuhuli. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.