Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata pinapak ng ka-chat

0 221

Isang batang babae ang walang awang ginahasa ng isang security guard na nakilala nito sa facebook at naging ka-chat sa messenger.

Sa report ng pulisya, sinundo ng suspek ang 11-anyos na biktima sa bayan nito sa Los Banos, Laguna at dinala sa Sto. Tomas, Batangas noong Linggo.

Kinilala ang suspek na si Meynard Latuza, 36, taga-Sto. Tomas, Batangas.

Sa report ng Sto Tomas police, Linggo ng hapon nang pumayag na makipagkita ang biktima sa suspek sa isang convenience store malapit sa kanilang lugar.

Nakumbinse umano ng suspek na sumakay sa kanyang motorsiklo ang biktima at iniuwi sa tinutuluyang apartment sa Las Palmas Subdivision at duon ginahasa.

Matapos papakin, ibinalik ng suspek ang bata sa Los Banos na kaagad namang nagsumbong sa magulang kaya nagpasaklolo sa pulisya.

Agad nagsagawa ng operation ang intel operatives ng Sto. Tomas police at naaresto ang suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.