Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata ‘sinakal’ ng kumot, todas

0 78

Natagpuang patay ang isang bata matapos na pumulupot sa leeg ang gamit na kumot habang natutulog sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Alicia, Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Ang biktima ay isang 9-anyos na lalaki na naninirahan sa Antique St., Brgy. Alicia.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-7:20, kamakalawa ng gabi, nang madiskubreng patay ang biktima sa sahig ng kanyang tiyuhin na si Christopher Billiones.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni Pat. Nestor Ariz Jr. ng CIDU, dakong alas-6:30 ng gabi ay bibisitahin sana ni Billiones, 35, na naninirahan sa Brgy. Manggahan, Pasig City ang kanyang mga kaanak sa nasabing barangay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit pagpasok umano ng tiyuhin sa tahanan ng mga kaanak ay napansin niya ang kanyang pamangkin na nakaupo sa sahig at may nakapulupot na kumot sa leeg.

Pinuntahan ni Billiones ang pamangkin upang gisingin sana pero napansin niyang hindi na ito humihinga pa kaya nagsisigaw na siya ng saklolo sa kanyang mga kaanak.

Isinugod pa sa Sioson Hospital ang bata pero idineklara na siyang dead-on-arrival bandang alas-7:20 ng gabi ni Dr. Renz Victor Guangco.

Hinala ng mga awtoridad na posibleng natutulog ang bata at nang malaglag sa higaan ay aksidenteng pumulupot sa leeg nito ang gamit na kumot at hindi na nagawang matanggal pa ng biktima. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.