Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata tinali sa puno saka ni-rape, kelot nasakote

0 114

Dinakma ng mga pu­lis ang isang 26-anyos na lalaki na itinali sa puno at ginahasa ang pitong taong gulang na babae sa liblib na lugar sa Calasiao, Pangasinan, ayon sa Pangasinan Provincial Police Office (PPPO).

Ayon sa Calasiao Police Station (CPS), hindi muna pinangalanan ang suspek dahil sa ginagawang imbestigasyon.

Sa inisyal na report, sa sinumpaang salaysay ng bik­tima na itinago sa pangalang ‘Shiela’, tinawag siya ng sus­pek sa isang liblib na lugar at tinali sa isang puno.

Habang nakatali, tinanggal aniya ng suspek ang kanyang underwear at dito ginawa ang pang­hahalay.

Pero, sa pag-iwan ng suspek sa biktima, naga­wang makatakas ng huli at agad nagsumbong sa nanay nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa pulisya, nag­paalam si Shiela sa kanyang magulang na mangingisda kasama ang kapatid na lalaki ngunit ang anak na lalaki lang ang nakauwi kung kaya hinanap nila ang biktima.

Sa crime scene, nakita ng mga pulis ang tali na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa paggapos sa bata, maging ang pang-ibabang saplot ng biktima.

Sa medico-legal, luma­bas na positibong ni-rape si Shiela ng suspek.

Ilang oras makalipas, nahuli ang suspek pero itinanggi niyang ginahasa niya ang biktima.

Nakapiit na ang suspek sa CPS detention cell at nahaharap sa kasong rape. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.