Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bata todas, 5 naospital sa adobong palaka

0 121

ISANG bata ang namatay habang nananatili sa pagamutan ang limang kasama nito nang kumain ng adobong palaka sa may General Santos City.

Sa report, nangyari ito noong Huwebes kung saan pinagsaluhan ng dalawang pamilya ang nilutong palaka na kanilang nahuli.

SM food to go Banner Ad

Pagkakain ay nakaramdam sila ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Hindi na naitakbo ng ospital ang bata, sa bundok pa lang ay nasawi na.

Sa limang nakaratay, tatlo sa kanila ay mga bata, na kasalukuyan nang nagpapagaling. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.