Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bataan binigyan PSC ng 250K sqm lote

0 265

Pormal na tinanggap ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez nitong Martes ang deed of donation ni Bataan Provincial Governor Albert Raymond ‘Abet’ Garcia para sa 250,000 square meter na lote na pagtatayuan ng Philippine Sports Training Center (PSTC).

“I am so happy and excited on this newly forged partnership with the Provincial Government of Bataan. This will give our national athletes a new home as they continue to bring pride and honor to our country,” lahad ni Ramirez sa ceremonial signing at turnover rites.

Hinirit pa ng sports agency chief, na nagdiwang ng 71st birthday sa nasabing araw, na ‘isa na ito sa pinakamagandang regalong natanggap niya sa kanyang buhay.’

Nasa lugar sa Bayan ng Bagac sa Probinsya ng Bataan, isa sa nakasaad sa dokumento na matatapos ang konstraksiyon sa December 31, 2025, maaring mapalugitan sa pagsang-ayon ng mga partido. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.