Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bataan binuksan na mga bagong pasilidad sa COVID pasyente

0 219

DUNALUPIHAN, Bataan – Pormal ng binuksan ng pamahalaang lokal ng Dinalupihan, Bataan ang isang modernong gusali na tinatawag nilang “Temporary Treatment Facility and Monitoring Facility” (TTFMF) para sa mga pasyenteng may kaso ng Covid-19.

Ayon kay Mayor Gila Garcia, ang nasabing konstruksyon ng gusali ay magkatuwang na naisakatuparan ng pamahalaang lokal, national at provincial government sa pangunguna ni Bataan Governor Abet Garcia para mapangalagaan ang kalusugan hindi lamang sa kanilang bayan kundi sa buong probinsya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang TTFMF ay isa lamang sa marami pang programa sa probinsya para paigtingin ang kampanya laban sa pandemyang dulot ng virus na Covid-19 sa bansa, dagdag pa ni Gila.

Ang TTMF ay binubuo ng 40, bed capacity para sa 20 covid suspects at sa 20 covid positive na may sari-sariling silid na may tag-iisang aircon, isang toilet and bath. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.