Abante Tonite Interactive

Bataan Nuclear Power Plant ‘di solusyon

By
20

Sa halip na buhayi­n ang Bataan Nuclear Powe­r Plant (BNPP), mas dapat na buwagin ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang masiguro na magkaroon ng sapat na supply at murang halaga ng kuryente.

Ito ang pahayag ni Ba­yan Muna party-list Rep. Carlos Zarate sa gitna ng panibagong pagkilos para buhayin ang NBPP na ang layon ay magkaroon ng matatag na supply at murang kuryente sa bansa.

“Scrapping the Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), which resulted to us having the most expensive electric rates in Asia, is a must if we want to be freed from the greed of the energy oligarchs,” ani Zarate.

Ayon sa mambabatas, kaya hindi matatag ang supply ng kuryente at mahal pa ang presyo nito sa bansa ay dahil sa pagkagahaman ng mga pla­yers sa power industry dahil sa nasabing batas.

Ang EPIRA din aniya ang dahilan kaya pa­nay kabig ang mga negosyante sa industriyang ito tulad ng pagpapasa sa mga consuaer sa kanilang nawawalang kuryente, buwis at iba na naging dahilan para lalong nagmamahal ang presyo ng kuryente.

Nagkakaroon din aniya ng sabwatan ang mga negosyante sa industriyang ito para tumaas ang presyo ng kuryente tulad ng sabay-sabay ng pagsasagawa ng maintenance.

“What we need now to have a stable and cheaper power supply is for go­vernment to tap more renewable sources of energy, stop the privatization of the remaining state-owned generation facilities like the Agus-Pulangi Hydropower Complex in Mindanao and reacquire the previously privatized power plants,” dagdag pa ni Zarate.

Naniniwala ang mambabatas na kapag nagawa ito ng gobyerno ay tiyak na mababa ang presyo ng kuryente sa bansa kaya ito umano ang dapat asikasuhin ng gobyerno at hindi ang NBPP na tambak ang problema at mapanganib.