Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bataan shipyard talamak smuggling ng langis

0 101

Ni Nancy Carvajal

Hindi bababa sa 300,000 litro ng langis kada linggo ang pinupuslit umano mula sa isang shipyard sa Mariveles, Bataan at dinadala sa mga garahe ng iba’t ibang kompanya ng bus sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Ibinunyag ito sa National Bureau of Investigation (NBI) ng isang pahinante ng tanker na kabilang umano sa mga naghahatid ng kontrabando patungo sa mga garahe ng bus.

Ayon kay NBI Special Action Unit Agent Melvin Escurel, tinukoy din ng kanilang testigo ang ilang `player’ sa nasabing criminal activity at idinetalye pa kung paano isinasagawa ang fuel smuggling.

May mga inimbitahan din aniya silang ilang tao para isailalim sa pagtatanong at nagsabing hindi nila alam na puslit ang mga langis na kanilang binibiyahe.

“The witness said they just received instruction from a certain Jerome and Eric to proceed to Seafront Shipyard and wait for the barge that would fill up their tanker,” sabi ni Escurel.

SM food to go Banner Ad

Naka-angkla diumano ang barge o gabara 500 metro ang layo mula sa daungan at ginagamitan ng mahabang hose para masalin ang diesel sa tanker na naka-park sa shipyard.

Sabi ni Escurel, base sa mga dokumento, ang shipyard ay para lamang sa paggawa, repair at paglilinis ng mga bangka at hindi pinapayagan na magkarga rito langis.

Aniya, ilan sa mga fuel trunk ay bumibiyahe mula sa isang garahe sa Pasay City at naghihintay ng ilang oras sa pagdating ng gabara sa Seafront Shipyard.

Tatlong beses sa loob ng isang linggo aniya nagkakarga ng langis sa mga tanker galing sa mga gabara.

“Around four or five tankers get supply from the dock and deliver it various garage of bus lines, however one of them is used to fill up a supposed abandoned tanker in Fairview (Quezon City),” ayon kay Escurel.

Base aniya sa mga ebidensya at mga testimonya mula sa ilang testigo ng NBI, organisado ang fuel smuggling operation.

Leave A Reply

Your email address will not be published.