Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bataller, Paraiso lipat-Letran

0 66

Pumapabor at ninanamnam ng reigning National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball champion champion Letran Knights ang pagkawatak-watak ng University of Santos Tomas Growling Tigers ng University Athletic Association of the Phillipines (UAAP) na ugat ng Sorsogon bubble training.

Ito ay bunsod na rin sa paglipat nina Ira Bataller at Brent Paraiso sa Intramuros-based squad sa pag-alis sa tropang España. Nakikipagnegosasyon na nitong Miyerkoles sina Bataller at Paraiso sa Colegio de San Juan de Letran.

Sakaling lumundag ang 6-foot-2 guard na si Paraiso sa Letran, makakapaglaro pa siya ng 2-taon habang ang 6-foot-4 na si Bataller naman ay 3 taon. Ang kasama nilang si Rhenz Abando ang unang lumundag sa Knights.

Wala pa lang kumpirmasyon kay coach Bonnie Tan ang paglipat ng tatlo nang kunan ng reaksiyon. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.