Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batanes napasok na ng COVID-19

0 101

Matapos ang pitong buwan simula ng ipatupad ang lockdown dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, nakapagtala ng kauna-unahang kumpirmadong kaso sa lalawigan ng Batanes.

Ayon sa provincial government, ang unang pasyente ay isang lalaki na locally stranded individual (LSI) na dumating noong Setyembre 22 sakay ng chopper ng Philippine Air Force (PAF). Nagpositibo ang LSI sa COVID-19 nitong, Setyembre 28.

Sa ngayon, walang sintomas ng virus ang nasabing pasyente at nananatili sa mahigpit na isolation sa Batanes Resort.

Mahigpit din umanong binabantayan ng Provincial COVID-19 Task Group ang lahat ng mga natukoy na close contact at iba pang naka-quarantine na LSI. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.