Abante Tonite Interactive

Batang Alaska, Batang GlobalPort nakauna

6

Nagbaon si Christian Sy ng 16 points, bumakas si Rhein Miranda ng 11 at binundol ng Batang Alaska ang Batang NLEX 62-48 sa dribol kahapon ng 11th Under Armour-Batang PBA 12 & Under Tournament 2016 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Agad rumatsada ang Aces ng 23-4 abante sa first frame at 30-15 sa halftime break, pero kinailangang kumayod sa third period tapos agawin ng Road Warriors ang manibela sa 36-35 edge patungo sa huling yugto.

Tampok sa torneo ang mga lumahok sa Basketball Coaches Association of the Philippines workshops sa kaagahan ng buwan.

Sa inaugural day game ng 12-team tournament, pinulbos naman ng Batang GlobalPort ang Tropang TNT, 72-38.

Hinati sa dalawang grupo ang 12 teams, ang top 2 pagkatapos ng single-round eliminations ay aabante sa crossover finals at magtutuos sa kampeonato ang dalawang huling nakatayo.
Ang mga susunod na laro ay dadayo sa JCSGO gym sa Cubao, Philippine Science High School gym sa Diliman, Quezon City, at ang finals ay Smart Araneta Coliseum na mga nasa Quezon City.