Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aaron asinta kampeonato, best rookie

0 54

Walang ibang hangad ang anak ni Philippine Basketball Association (PBA) 1989 Grand Slam coach Norman Black ng Meralco Bolts na si Aaron kundi ang ang makasungkitin agad ng kampeonato sa pro league at ang Rookie of the Year Award.

“Of course every rookie that comes to the league wants to earn the Rookie of the Year as well as win the championship,” kwento ng magbe-23-anyos sa darating na Nobyembre 19 at may taas na 6-1 sa Standing Room Only vodcast nitong Lunes.

Dinagdag ng four-year University Athletic Association of the Philippines (UAAP) veteran na may isang titulo sa Ateneo Blue eagles point guard, na gusto niyang patunayan na hindi porket nakatuntong na sa pambansang liga’y petiks na.

“My dad told me when I got drafted was when you get to the PBA, some people think that that is the end of the journey, [but] really it’s a start if you think about it,” hirit ng nakababatang Black na isang veteran internationalist na rin sa paglalaro sa 2019 Taiwan Jones Cup.

Tiniyak din ng hoopster na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya upang tapusin ang pagkakatigang sa kampeonato ng Bolts, wala pang titulo sa 10 taon sa isang dekada sa Asia’s play-for-pay hoop.

“We’ve been aching for a championship now for what? 10 years?” panapos niyang sambit. “Hopefully I can help out there and we can finally win one.” (Aivan Denzel Episcope)