Abante Tonite Interactive

Batang chiching inagaw ng politiko

By
1,215

Alam n’yo bang ang petmalu ng isang kila­lang dating politiko na iginarahe ang maganda at batang-batang chiching na taga-Pangasinan province.

Ayon sa aking bubwit, binilhan ni dating politiko ng condo ang kinalolokohan n’yang 23-years old na chi­ching at pinag-enrol din sa driving lessons si miss beautiful bago bilhan ng sasakyan.

Ang petmalu ayon sa aking bubwit ay ikakasal na pala si chi­ching sa boyfriend nitong seaman nang makilala at tangayin ni dating politiko na lokong-loko sa kanyang ganda at alindog.

Matagal at malalim sa mundo ng politika si sir at hindi ito ang unang pagkakataon na napukaw ang kanyang atensyon ng pretty at batang-batang chi­ching, kumbaga siya’y ‘old carabao eating young grass’, ang petmalu mo sir.

Ayon sa aking bubwit, ibang klase rin ang boyfriend ni miss beautiful dahil kahit ipinagpalit s’ya kay dating politiko at imbes na magalit o kalimutan ang babae ay mahal pa rin n’ya ito. Nagbilin pa si seaman kay miss beautiful na kapag sawa na sa kanya si dating politiko at iniwan na s’ya ay puwede s’yang bumalik sa kanya.

Related Posts

Ang dating politiko na abala sa bible study bago nakilala at iginarahe ang maganda at batang-batang taga Pangasinan ay may pangalang ‘J’.

***

Umaapela kay pang. Duterte ang asawa ng inambus na dating kongresista ng La Union na si Eufranio Eriguel na tulungan silang mabigyan ng hustisya ang inabot ng kanyang mister.

Pinagbabaril at napatay si eriguel noong sabado bago ang barangay & sk elections nang may tatlong suspek armado ng iba’t ibang baril, batay sa pnp report.

Sa interview ng DZRH, nakikiusap ang asawa ni Eriguel na si Dr. Sandra Eiguel na kung maaari ay tulu­ngan sila ng presidente makakuha ng kataru­ngan sa paniwalang isang malaking politiko ang nasa likod ng pagpatay sa kanyang mister.

May nauna nang pagtatangka sa buhay ni Eriguel bago s’ya napatay noong Sabado.