Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batang edad 12-17 na may sakit una sa booster shot

0 78

Nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na prayoridad sa mabibigyan ng booster shot kontra COVID-19 ang mga may sakit na batang edad 12 hanggang 17.

Binigyang-diin pa ni Health Secretary Francisco Duque III na gagawin ang pedia vaccination sa mga ospital at hindi sa mall o barangay para sa kanilang kaligtasan.

“Ang rollout niyan today pero hospital-based `yan kasi unahin natin `yong 12 to 17 immunocompromised,” ani Duque. “Hospital-based ang bakunahan nito kasi immunocompromised `yan, so may mga kondisyon `yan na dapat mino-monitor. `Yan ang bibigyan ng additional dose of the primary series.”

Base sa mga panuntunan na inilabas ng DOH nitong Miyerkoles, ang mga immunocompromised na batang edad 12 hanggang 17 ay maaaring tumanggap ng unang booster 28 araw matapos maturukan ng pangalawang dose ng bakuna.

Kabilang sa mga batang puwedeng pa-booster shot ang mga sumusunod: ginagamot sa sakit na cancer, tumanggap ng organ transplant at kasalukuyang umiinom ng gamot, nagkaroon ng stem cell transplant sa nakalipas na dalawang tao o umiinom ng gamot para lumakas ang immune system, may moderate o severe primary immunodeficiency, mga taong dinapuan ng HIV infectin, mga sumasailalim sa chronic dialysis, may autoimmune disease, at iba pang sakit.

Kailangang kasama ang magulang o guardian ng menor de edad na magpapabakuna at dalhin ang nauna nilang vaccination card. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.