Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batang hamog hinarbat baterya ng trak

0 201

Buking ang iligal na gawain ng grupo ng tinatawag na mga batang hamog sa Maynila nang maispatan ang mga ito at mabidyuhan ang panghaharbat ng baterya ng isang trak.

Ito’y matapos mag-viral sa Facebook ang video kung saan makikitang walang takot na kinalas at tinangay ng isang bata ang baterya ng truck na naipit sa traffic.

Makikita sa video na kahit umaandar na nang bahagya ang sasakyan ay tuloy pa rin sa pagkalkal ang mga bata.

Ayon sa nag-post ng video na si Abby Bernardo, nangyari ang insidente sa Road 10 sa Tondo.

“Maagang pamasko ng mga tirador sa R10 Ingat ingat mga lods sa mga dadaan dito lalo na traffic,” saad niya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.