Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batang ina, minartilyo bibig ng panganay

0 165

Isang 17-anyos na ina na may dalawa nang anak ang dinakip nang martiyuhin nito ang bibig ng 2-anyos niyang panganay dahil lang sa ingay sa Davao City.

Nasagip naman ng mga awtoridad ang paslit mula sa pananakit ng kanyang teenage mom.

Dipensa ng ina na itinago sa pangalang ‘Irene,’ isang beses lang niyang sinaktan ang anak.

“Alam ko naman na bata ‘yan at kahapon ko lang nagawa iyon, isang beses lang,” giit niya.

“Magulo ang isip ko. Sana mapatawad niyo ako kasi may isa pa akong baby,” dagdag pa nito.

Ayon sa ulat, kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office ang dalawang anak ni ‘Irene.’

Dahil menor de edad pa ang ina, dinala ito sa Women and Children Protection Desk bago siya ilipat sa Department of Social Welfare and Development. (VAPA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.