Abante Tonite Interactive

Batang mahina sa pagbabasa ilagay sa special ALS

229

Isinulong ng isang mam­babatas ang isang alternative learning track para sa mga mag-aaral na mahina sa reading comprehension.

Kasunod ito ng gina­wang survey ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2018 kung saan lumabas na kukelat ang Pilipinas sa reading comprehension at pangalawa sa pinakamahina sa Mathematics at Scienc­e.

Para mapabuti ang basic education sa bansa, partikular na ang reading comprehension, iminungkahi ni ACT-CIS Party-list Rep. Jo­celyn Tulfo na ilagay ang mga non-reader sa alternative learning track upang agad na masolusyonan ang kanilang kahinaan sa pagbabasa.

“To address the reading problem, I suggest that after Grade 3, for pupils with significant reading comprehension difficulties, there be a special Alternative Learnin­g System (ALS) intervention curriculum run by the DepEd’s Education for Learners with Special Needs Office (ELSNO). Howe­ver long it takes for them to reach the reading standard of Grade 6 level, they stay in the ALS until they gra­duate,” ani Tulfo.

“Hindi dapat ipasa sa high school teachers ang problema na dapat na-address na bago pa man mag-graduate ang bata sa Grade 6, dahil pati high school nadadamay sa reading problem,” aniya.

Tiniyak naman ni Tulfo na magtatapos pa rin sa pag-aaral ang mga mag-aaral sa ilalim ng ALS ngunit hindi parehong curriculum ng ele­mentarya o sekondarya na paaralan.

“Ga-graduate pa rin ang non-reader elementary pupils at high school students; ngunit ibang curriculum, ALS for non-readers na ang dadaanan nila sa halip na regular curriculum, dahil sa mayroon silang special needs na may kinalaman sa hirap sa pagbabasa,” paliwanag ng mambabatas.

Para naman maipatupad ang suhestyon, sinabi ni Tulfo na dapat ay kumuha ang DepEd ng mas mara­ming guro na may espes­yal na pagsasanay sa pagtugon sa reading problem.
(Lorraine Gamo)