Abante Tonite Interactive

Batang may leukemia pinasaya ni PDu30 sa kaarawan

By
2,784

Pinasaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batang may sakit na leukemia ma­tapos pagbigyang mag­kita sila sa Malacañang sa mismong ka­arawan nito.

Sa kabila ng mahigpit na schedule ng Presidente kahapon, ay nagawang maisi­ngit ang pagkikita nila ng batang si John Paul Cullao na dumaranas ng sakit na leukemia.

Kasama ng batang si John ang kanyang ina at mga kapatid na tuwang-tuwa matapos makita at mayakap ang Presidente.

Binigyan ng konting salo-salo ang batang si John at kanyang pamily­a sa loob ng Malacanang.

Sa kabila ng matapang na karakter ng Pangulo ay malambot ang puso nito sa mga bata lalo na sa mga may malubhang karamdaman.