Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Batang nagbebenta ng kandila yupi sa bakal

0 34

Pumanaw ang 11-taong gulang na lalaki nang mabagsakan ng mabigat na bakal na railin­g sa Brgy. Sto. Niño, Cebu City.

Sa report, nangyari ito sa bahagi ng P. Burgos St. sa nasabing lungsod, sa kasagsagan ng paghampas ng mala­lakas na hangin.

Batay sa imbestigasyon, magkasama ang bata at ang kanyang ina habang nagbebenta ng mga kandila sa labas ng Basilica Minore Del Sto. Niño nang mangyari ang insidente.

Tiyempo naman na nakaupo lang ang bata nang mabagsakan ito ng steel railings.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaalam ng pulisya kung sino sa gumagawa ang may pananagutan sa insidente. Patuloy din ang imbestigasyon habang hindi na muna pinangalanan ang kaukulang kompanya.

Samantala, pinaalis na ng lokal na pamahalaan ang railings at nagbigay na ng P10,000 cash assistance sa pamil­ya ng nasawing bata.

Hindi naman sinabi sa ulat kung may ginagawa ba sa panahon ng insidente o basta na lang bumagsak ang nasabing steel railing. (Kiko Cueto/Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.