Abante Tonite Interactive

Batang politiko wanted sa talunang kandidato

352

Dati siyang sanggang dikit ng mayamang politiko sa bansa­ kaya’t marami ang naiinggit dahil magi­ging malapit ito sa ‘kusina’ ng Malacañang.

Subalit nang matalo nung 2016 presidential elections ang kanyang minamanok, mabilis pa sa alas-kuwatro na tumalon sa kabilang bakod ang batang politiko.

Abante Hiring – IT dep

Sa nakalap na impormasyon ng Tonite, dinamdam daw ng mayamang politiko ang pagbaligtad ng alaga niya.

Yung ibang tuma­lon sa kabilang partido,­ nagpaalam daw ng maayos sa talunang kandidato, pero itong batang politiko, aba’y hindi man lang nag-goodbye dito.

Markado na tuloy sa mayamang politiko ang batang politician, mistulang wanted na kukutusan kapag muling­ nag­krus ang kanilang landas.

Clue: Ang batang politiko na wan­ted sa talunang kandidato ay binitbit ng religious organization sa nakaraang halalan at may letrang T sa kanyang pangalan as in Tumalon sa kabilang partido.