Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Batang shabu’ dealer hinatulan ng habambuhay

0 86

Habambuhay na pakabilanggo ang inihatol kamakalawa ng korte sa tinguriang “batang shabu dealer” matapos mapatunayang nag-iingat ng humigit kumulang P122,000 halaga ng shabu sa ginawang anti-drug raid noong October 2020 sa Baguio City.

Sa court decision na ibinaba ni Baguio City trigonal trial court (RTC) Judge Malcdem, bukod sa “life imprisonment” ay inutos din ng korte na magbayad ang akusadong si John Anthony Rosal, na ngayon ay 30-anyos na, ng P500,000 multa at sasailalim sa 1-taon drug use rehabilitation.

Base sa court record, si Rosal ay nakulong noong Oktubre 1, 2020 at kinasuhan matapos mahuli sa pinagtataguan nito sa loob ng isang bahay na kanyang tinakbuhan habang tinatakasan ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagbebenta ng 18.02 gramo ng shabu.

“We came to know he was already indicted here for selling more than 9 years ago when he was still 21,” ani Atty. Cesar Bacani, NBI-Cordillera regional director. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.